Humigit kumulang 1,500 na bahay, kabilang na ang iba pang mga imprastruktura ang nasira sa sunog na sumiklab sa residential area ng Sitio 6, Brgy. Catmon, Malabon City kahapon ng gabi, October 22.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Malabon, nagumpisa ang sunog bandang 5:00 PM, at bandang 5:41 itinaas na ang fire alarm level sa Task Force Alpha na nagparesponde sa mahigit 100 na fire trucks mula sa ibaโt ibang parte ng Metro Manila.
Dagdag pa ng BFP, halos walong oras tumagal ang malawakang sunog. Wala namang naitalang malubhang nasaktan sa naganap na sunog.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng BFP ang pinagmulan ng apoy, pero ayon sa ilang mga residente, maaaring jumper ng kuryente ang posibleng pinagmulan ng spark na nagdulot ng apoy.
Ayon sa BFP, humigit kumulang 617 na pamilya ang naitalang nawalan ng tirahan. Agad namang nagbigay ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Malabon sa mga biktima ng sunog na kasalukuyang nasa mga evacuation centers. | via Kai Diamante
