Ikinagalit ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon nang maabutan ang palpak na pumping station sa Tondo, Maynila.
Nitong Miyerkules, September 24, nang magsagawa ng inspeksyon sina Dizon, Independent Commission for Infrastructure (ICI) Special Adviser Benjamin Magalong at Manila Mayor Isko Moreno sa Sunog Apog Pumping Station.
Ayon sa kalihim, P774 milyon ang pondong inilaan para sa proyekto noong 2017 na sinimulan noong 2018 at natapos ng taong 2020 na agad namang nabayaran nang buo ng ahensya.
Ngunit mula noong 2020, hindi pa rin umano ito napakikinabangan.
Bukod pa rito, may isasaayos pang parte ng proyekto na nagkakahalaga ng P94 milyon para mapagana ang pumping station na inirekomenda umano ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
Sabi pa ni Dizon, nagiging pattern na ang pagkakaroon ng substandard at ghost projects ngunit patuloy pa ring pinopondohan.
Iginiit din niya na imbes na makatulong ang pumping station na maibsan ang pagbaha sa lungsod lalo pa itong nakaperwisyo. | via Alegria Galimba, D8TV News
#D8TVNews #D8TV
