Inalmahan sa Kamara ang sunod-sunod na pagtaas ng pamasahe at freight rates ng mga RORO vessels sa loob lamang ng isang quarter.
Ayon kay Quezon City 3rd District Rep. Reynante Arrogancia, dapat agad siyasatin ang dagdag-singil sa inter-island shipping dahil direktang naaapektuhan nito ang presyo ng mga bilihin.
Aniya na may domino effect ang RORO rate hikes sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.
Ipinaalala ng mambabatas na kahit deregulated ang sektor, nananatiling may kapangyarihan ang Maritime Industry Authority (MARINA) na tiyakin ang makatuwirang presyo at mamagitan kung kinakailangan.
Hinimok niya ang MARINA, Philippine Ports Authority, at Department of Transportation na repasuhin ang mga rate adjustments at tiyakin ang transparency sa industriya. | via Judea Bernardo, D8TV Correspondent
