Sumali ang Pilipinas sa pangako ng G7 na panatilihin ang malaya, bukas, at ligtas na Indo-Pacific, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Binigyang-diin ng DFA ang paninindigan ng bansa na gawin ang South China Sea bilang isang dagat ng kapayapaan at kasaganaan. Mariin ding tinutulan ng Pilipinas ang anumang panghihimasok, panggigipit, at pananakot sa loob ng teritoryong pandagat nito.
Pinuri ng DFA ang pagtutol ng G7 sa iligal at mapanganib na aksyon sa karagatan, kabilang ang paggamit ng water cannons laban sa mga barko ng Pilipinas. Hinimok din ang mga bansa na iwasan ang reclamation at pagtatayo ng mga outpost na nagbabago sa kalikasan ng dagat.
Ikinagalak ng Pilipinas ang muling paggiit ng G7 sa 2016 South China Sea Arbitral Award bilang bahagi ng pandaigdigang batas. | via Lorencris Siarez | Photo via pna.gov.ph
#D8TVNews #D8TV