Bumaba nang husto ang emission ng sulfur dioxide mula sa Taal Volcano sa lalawigan ng Batangas, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
72 metric tons lamang ng Sulfur Dioxide ang nasukat mula sa main crater ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.
600 meter plume ang na-produce ng weak emission sa ibabaw ng Taal Volcano Island
Ito ay bumaba nang husto kumpara sa 1,095 metric tons na naiulat noong November 13 at 14. | via Ghazi Sarip, D8TV News
