Sugatan sa paputok, umabot na sa 28 —DOH

Umabot na sa 28 ang naging biktima ng paputok hanggang madaling araw nitong Pasko, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon sa pinakahuling ulat ng DOH, walo pa ang bagong kasong naitala hanggang alas-4:00 ng madaling araw ng December 25.

Nahango ang datos sa 62 sentinel hospitals kung saan napansing bumaba ng 50 porsiyento ang bilang ng mga nabiktima kumpara nung isang taon na nasa 56.

Sa kabuuang bilang, 19 o 68% ng mga biktima ay 19 taong gulang pababa, habang 9 o 32% ay 20 taong gulang pataas.

Karamihan sa mga pinsala ay sanhi ng five star, boga, at triangle.

Paalalaha ng DOH, hugasan agad ng malinis at dumadaloy na tubig ang apektadong bahagi at magpunta sa pinakamalapit na ospital o health center para sa tetanus shot.

Maaari ring tumawag sa 911 para sa agarang tulong medikal.

Hinimok din ng DOH ang mga local government units na magdaos ng community fireworks display sa halip na paputok sa bahay.

Mas pinaiigting ngayon ng pulisya ang operasyon laban sa imga legal na paputok habang papalapit ang Bagong Taon. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *