Idineklara ng lokal na pamahalaan ng Tarragona, Davao Oriental ang state of calamity matapos ang magkasunod na lindol na magnitude 7.4 at 6.8 na yumanig sa bayan ng Manay noong Oktubre 10, 2025.
Ayon sa LGU, tinatayang 10,000 pamilya ang naapektuhan, at halos 2,000 sa kanila ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center.
Marami pa rin ang takot umuwi dahil sa tuloy-tuloy na aftershocks.
Ilan sa mga evacuee ang nagsabing hirap silang makabangon sa mangyaring kalamidad at hindi pa rin sila mapalagay sa gabi dahil sa mga pagyanig.
Patuloy ang DSWD sa pamamahagi ng food packs at bottled water sa mga apektado. Naglaan naman ang LGU ng โฑ3 milyon mula sa Quick Response Fund para sa relief efforts.
Ayon kay Mayor Kaka Bulaong, pansamantalang nasa open space ang operasyon ng munisipyo dahil hindi na ligtas ang municipal building at evacuation center.
Nakahanda na rin umano ang 16-ektaryang relocation site para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan, katuwang ang DHSUD at NHA sa planong pabahay. | via Allan Ortega
