State of calamity, idineklara sa Tabaco City, Albay dahil sa pag-alburoto ng Bulkang Mayon

Isang state of calamity ngayon ang idineklara sa Tabaco City, Albay, kaugnay pa rin sa patuloy na pag-aalburoto ng Mayon Volcano.

Inaprubahan ng city council ang resolusyon ayon na rin sa abiso ng Philippine Institute of Volcanology o PHIVOLCS.

Ayon sa PHIVOLCS, nagtala ang bulkan ng 240 na volcanic quakes, 292 rockfall events at 37 pyroclastic flow o uson.

Dahil sa deklarasyon ng state of calamity papayagan ang Tabaco City na kumuha ng pondo mula sa kanilang Quick Respond Fund.

Bagamat mas dumarami ang aktibidad ng Mayon, nananatili itong nasa Alert Level 3, kung saan hindi pinapayagan ang mga residente na pumasok sa six-kilometer permanent danger zone.

Halos 500 pamilya o 1,787 indibidwal na ang nilikas sa mga lugar ng nasasakupan ng Tabaco City malapit sa bulkan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *