Stable pa rin ang presyo ng isda bago ang Semana Santa – DA

Bago mag-Semana Santa, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na nananatiling stable ang presyo ng isda sa bansa.


Ayon kay DA Asst. Secretary Arnel De Mesa, steady ang presyo ng bangus sa P240/kg at tilapia sa P160/kg mula pa noong nakaraang buwan.


Good news din para sa mga mamimili—bumaba ang presyo ng galunggong mula P300 noong nakaraang buwan, naging P260 noong isang linggo, at ngayo’y P240 na lang kada kilo!


Paalala lang ng DA, posibleng bahagyang tumaas ang presyo ng isda ngayong Holy Week, lalo na sa Huwebes at Biyernes Santo, dahil mas pinipili ng mga Pinoy ang isda kaysa karne. Pero hanggang 3 hanggang 5 araw lang daw ito at karaniwang hindi lalampas sa 15% ang taas-presyo.


Hindi rin daw dapat kabahan ang publiko—may sapat na supply ng isda matapos ang lifting ng closed fishing season noong February. | via Allan Ortega | Photo via PNA/Joan Bondoc

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *