SSS, nag-aalok ng hanggang P20K calamity loan para sa mga biktima ng Bagyong Tino

Maaaring umutang ng hanggang ₱20,000 ang mga apektadong miyembro ng Social Security System (SSS) dahil sa Bagyong Tino simula Nobyembre 6 sa ilalim ng Calamity Loan Program.

Layunin nitong mabigyan ng mabilis na tulong-pinansyal ang mga miyembro, ayon kay SSS President at CEO Robert Joseph Montes de Claro.


May 7% na taunang interes ang loan at babayaran sa loob ng 24 buwan.

Maaari itong i-apply online sa My.SSS. I-log in lang ang account, piliin ang “Loans” → “Calamity Loan”, at piliin ang “CLP – TC TINO” bilang loan type. Ilalagay rin ang napiling loan amount at disbursement account.


Ang kwalipikasyon ay:
• Nakatira o nagtatrabaho sa lugar na nasa state of calamity
• May 36 monthly contributions
• May active online SSS account
• Walang past-due o restructured loans
• Edad 18–64
• Walang kaso ng pandaraya sa SSS


Bukas ang programa hanggang Disyembre 5 habang nagpapatuloy ang pagbangon sa pinsala ng bagyo.


May hiwalay ding calamity loan para sa mga apektado ng Tropical Storm Ramil sa Roxas City at Sigma, Capiz hanggang Disyembre 4.


Ayon sa NDRRMC, umabot sa 2.1 milyon ang apektado sa 32 probinsya, at 432,336 ang lumikas. Naitala ang 152 patay, 86 nawawala, 96 sugatan, at ₱6.33 milyon na pinsala sa imprastruktura.


Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang state of national calamity para mapabilis ang paglabas ng pondo at operasyon para sa mabilis na pagbangon ng mga mamamayan. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *