Pasabog ng SSS para Araw ng mga Manggagawa! Inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos at ng SSS sa Labor Day sa SMX Pasay: bababa na ang interes sa salary at calamity loans—mula 10% ay magiging 8% sa salary loans at 7% sa calamity loans simula Hulyo 2025! Pero para lang ito sa mga miyembrong walang penalty condonation sa nakaraang limang taon—ibig sabihin, good payer ka dapat!
May balita rin para sa mga balong pensioner (surviving spouse): Pwede na rin kayong umutang sa ilalim ng Pension Loan Program, hanggang ₱150,000! May insurance pa, kaya bayad ang utang kapag nawala ang borrower. Target simula: Setyembre 2025.
At hindi pa d’yan nagtatapos—may plano rin ang SSS na maglunsad ng micro-credit loan facility para sa short-term cash needs (15 to 90 days), sa tulong ng mga partner financial institutions. Target nitong sagutin ang biglaang gastos ng mga miyembro.
Ayon kay SSS President De Claro, “Ito ay alay namin sa bawat manggagawang Pilipino dito at sa abroad. Kasama pa ang plano para sa livelihood loans at mga partnership sa DICT, PhilHealth, at iba’t ibang industriya.” | via Allan Ortega | Photo via pna.gov.ph
#D8TVNews #D8TV