‘Spillover effects’ ng giyera sa Middle East, tinututukan

Inatasan ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang PNP Intelligence Group na bantayang mabuti ang nangyayaring sigalot sa Gitnang Silangan.

Kabilang na rito ang pagpapaigting ng kanilang pagmamanman sa mga extremist narratives at online radicalization, kasama na ang mga developments na maaaring makaapekto sa internal security ng bansa.

Ayon kay Nartatez, naka-alerto sila sa posibleng “spillover effects” sa Pilipinas bagamat wala pa silang na-monitor na anumang direktang banta kaugnay sa nangyayareng giyera sa pagitan ng US-Israel at Iran.

Kasunod nito, tiniyak naman ni PNP Chief na nanatiling kontrolado ng Pambansang Pulisya ang panseguridad sa bansa.

Samantala, mahigpit na naka-antabay ang Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines sa sitwasyon.

Puspusan ang kanilang koordinasyon sa intelligence units ng bansa para tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho doon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *