Special task force ng Ombudsman, tututukan imbestigasyon sa mga lugar na nasalanta ng #TinoPH

Nagpahayag ng pakikiramay ang Office of the Ombudsman sa pamilya ng mga nasawi sa pinsalang dulot ng Bagyong Tino.

Sa kabila nito, inatasan ng tanggapan sa isang special task force na iprayoridad ang mga flood control projects na dapat sana ay nakapigil sa matinding pagbaha dulot ng bagyo.

Tiniyak din ng Ombudsman na mananaig ang hustisya at may mananagot sa mga nasawi na epekto ng matinding pagbaha.

Matatandaang pinaiimbestigahan din ng Palasyo ang mga palpak na proyekto sa Cebu kasunod ng pahayag ni Governor Pam Baricuatro na kahit mahigit P26 bilyong pondo na ang nakalaan sa flood control projects ay binaha pa rin ang kanyang probinsya. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *