SARO para sa ₱1-B fund ng service contracting program ng PUV drivers, hinihintay na lang

Tanging ang special allotment release order na lamang ng Department of Budget and Management ang inaantay ng Department of Transportation para sa pagpapalabas ng ₱1 bilyon na pera na gagamitin sa pagpapatupad ng service contracting program sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan.

Ayon kay Transportation Sec. Giovanni Lopez, layon nito na matulungan ang mga tsuper na direktang makikinabang sa subsidiya para magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero.

Kung saan 2 ang posibilidad na pwedeng mangyare sa ilalim ng service contracting.

Una, ang net service contracting kung saan subsidize ang pamasahe ng mga commuter.

Ang sumunod naman ay ang gross service contracting na libre ang sakay ng mga pasahero

Dagdag pa ng kalihim na posible rin ang hybrid service contracting kung saan may piling lugar ang libre at may piling lugar ang subsidize.

Saad ni Lopez, bukod pa ito sa ilalabas na 2.5 bilyon pesos na fuel subsidy na kanilang ibibigay sa mga tsuper bilang tulong sa nararanasang paghihirap sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.

Sa ngayon, ikinakasa na ang isang malawakang konstitusyon sa pagitan ng DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board para sa mga nasa sektor hinggil sa pagpapatupad ng nasabing programa. I via Allen Ibañez D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *