Nakikiisa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr, na siyang pagtatapos ng Banal na Buwan ng Ramadan. Ipinahayag niya ang suporta ng Kamara sa mga panukalang makakatulong sa mga Pilipinong Muslim at kinilala ang kanilang mahalagang ambag sa pag-unlad ng bansa. Ayon kay Speaker Romualdez, ang Eid’l Fitr ay isang paalala ng pagkakaisa, malasakit, at pagbibigayan—mga katangiang nagbubuklod sa sambayanang Pilipino. Umaasa rin siya na ang pagtatapos ng Ramadan ay magdudulot ng kapayapaan, kasaganaan, at biyaya mula sa Maykapal. | Benjie Dorango | Photo via House of Representatives
#D8TVNews #D8TV