Muling iginiit ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang West Philippine Sea (WPS) ay bahagi ng teritoryo ng Pilipinas at ang pagtatanggol dito ay mahalaga sa pambansang seguridad.
Ginawa niya ang pahayag kasabay ng kanyang promosyon bilang Auxiliary Vice Admiral ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang seremonya na dinaluhan nina Admiral Ronnie Gavan at Vice Admiral Edgar Ybañez.
Ayon kay Speaker Romualdez, hindi dapat maging dehado ang Pilipinas sa sarili nitong dagat at kailangang tiyakin ang proteksyon laban sa pananakot, agresyon, at iligal na pagpasok ng mga dayuhang sasakyang pandagat.
Bilang Speaker ng Kamara, nangako siyang patuloy na ipaglalaban ang pambansang soberanya at integridad ng teritoryo. Nagpasalamat din siya sa Philippine Coast Guard sa ibinigay na tiwala at sinabing dala niya ang bagong ranggo bilang panata ng kanyang dedikasyon sa pagtatanggol ng bansa. | Benjie Dorango
Speaker Romualdez: Atin ang West Philippine Sea, dapat depensahan
