Speaker Dy: Mabigat ang hamon sa Kongreso

Inihayag ni House Speaker Bojie Dy na mabigat ang hamon sa kanilang institusyon matapos masangkot ang mga ilang kongresista sa mga umano’y katiwalian.

Pinangunahan ni Dy ang flag ceremony sa House of Representatives nitong umaga ng Lunes, October 6.

“May nabalitaan nga po ako na may mga kasamahan tayong kailangang magpalit o mag-alis ng uniporme bago pumasok dahil sa takot na mapag-initan habang nagco-commute papunta dito sa Kongreso. Masakit mang tanggapin, talagang bumaba ang tiwala ng taumbayan sa ating institusyon,” ani Dy.

Samantala, pahayag naman ng House Speaker, ito raw ay paalala sa kanila na mas pagbutihin ang kanilang trabaho at maging tapat sa paglilingkod upang mabalik ang tiwala ng publiko.

Giit ni Dy, lahat ay may mahalagang katungkulan sa Kongreso na magsilbi sa bawat Pilipino. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *