SP Sotto, tiniyak ang pagbabalik ni Lacson sa Blue Ribbon Committee

Kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III na muling pamumunuan ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson ang Blue Ribbon Committee.

Ayon kay Sotto, opisyal na babalik si Lacson bilang chairman ng komite sa November 10 kasabay ng pagbubukas ng second regular session ng 20th Congress.

Dagdag pa niya, nagpasya si Lacson na bumalik dahil nais nitong ipagpatuloy “unfinished business” sa imbestigasyon.

Ang Blue Ribbon ang nag-iimbestiga sa maanomalyang flood control projects na kinasasangkutan ng ilang mga opisyal ng pamahalaan.

Ilang senador na rin kasi ang ang inalok ni Sotto para pamunuan ang komite ngunit tumanggi ang mga ito.

Matatandaang nagbitiw si Lacson dahil sa pagkadismaya ng ilang mga kapwa-senador sa isinasagawang imbestigasyon ng komite nang madawit ang ilang senador sa isyu ng flood control.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *