Nakapagtala ang Southern Police District (SPD) ng pinakamababang crime rate index sa National Capital Region Police Office mula March 8 hanggang 14.
Nakapagtala ang SPD ng 8 index crimes at lahat ng ito ay nalutas. Ang mga kasong naitala nila ay tatlong physical injury, dalawang panghoholdap, isang pagnanakaw, isang kidnapping at isang murder.
Ayon kay SPD District Director Police Brigadier General Manuel Abrugena, mananatili ang kanilang layunin na panatilihing payapa ang mga mamamayan na nakapaloob sa kanilang nasasakupan. Dagdag pa niya na ang mababang crime rate index na ito ay nagbunga sa kooperasyon ng kanilang mga tauhan at ng komunidad na kanilang nasasakupan. Hinihimok pa rin ni Abrugena na manatiling mapagmatyag sa kapaligiran at magreport agad sa mga pinakamalapit na pulisya. | Photo via SPD
Southern Police District (SPD) nakapagtala ng pinakamababang crime rate index
