Inilunsad ng Bureau of Internal Revenue ang South Luzon leg ng 2026 Regional Tax Campaign bilang paghahanda sa April filing season.
Sa ginanap na programa sa Jose Rizal Coliseum sa Calamba City, Laguna, sinabi ni BIR Commissioner Charlito Mendoza na paiigtingin ng ahensya ang digital reforms, enforcement efforts, at pagpapalakas ng workforce upang mapabuti ang tax compliance.
Kabilang sa mga inilatag na reporma ang Digital Interactive Tax Calendar, QR code verification tools, at planong integrated Taxpayer Portal kung saan maaaring ma-access ng taxpayers ang kanilang registration, filing, at payment records sa iisang platform.
Binigyang-diin din ng BIR ang mas pinaigting na kampanya laban sa tax evasion at iligal na produkto, kabilang ang operasyon sa ilalim ng Run After Tax Evaders program.
Ang South Luzon kickoff ay bahagi ng nationwide rollout ng 2026 Regional Tax Campaign, na magpapatuloy sa Visayas at North Luzon sa mga susunod na linggo. | via Joana Luna, D8TV News
