South Korea magsasagawa ng snap election sa June kasunod ng pagpapatalsik kay Yoon

Nabigla ang buong bansa! Tinanggal ng Constitutional Court si dating Pangulong Yoon Suk Yeol sa puwesto dahil sa bigong tangkang martial law. Dahil dito, isang maagang halalan ang itatakda sa Hunyo.
Ayon sa batas, kailangang magdaos ng snap election sa loob ng 60 araw mula nang ilabas ang desisyon ng korte. Pero dapat ipahayag ang petsa ng halalan nang hindi bababa sa 50 araw bago ito gawin.
Dahil dito, lumitaw ang May 24 hanggang June 3 bilang posibleng schedule, pero malamang ay June 3 ang mapiling araw ng halalan—sakto sa ika-60 araw ng ruling.
Kaya June 3 para raw may sapat na panahon ang mga partido pulitikal para sa kanilang primaries at kampanya.
Ang bagong halal na presidente ay agad-agad uupo sa puwesto matapos ang bilangan—wala nang transition team! | via Lorencris Siarez | Photo via Yonhap

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *