South Cotabato nakapagtala ng 10 kaso ng Mpox

Umakyat na sa 10 ang kumpirmadong kaso ng Mpox (monkeypox) sa lalawigan hanggang Mayo 22, ayon sa Integrated Provincial Health Office (IPHO).

Bilang tugon, pinalalakas ng mga awtoridad ang contact tracing at community surveillance para mapigilan ang pagkalat ng sakit. Hinihikayat din ang publiko na agad magpatingin sa doktor kung may sintomas at sumunod sa health protocols.

Ang Mpox ay hindi airborne tulad ng COVID-19. Ito ay naipapasa sa malapitang pisikal na kontak tulad ng skin-to-skin, mouth-to-skin, at paggamit ng kontaminadong gamit gaya ng kumot o damit. Kadalasang lumilitaw ang sintomas sa loob ng 3–17 araw matapos ang exposure. Kabilang dito ang lagnat, pantal, pamamaga ng kulani, pananakit ng lalamunan, at matinding pagkapagod.

Wala pang bakuna kontra Mpox sa Pilipinas. Pinapayuhan ng DOH ang lahat na panatilihin ang hygiene, umiwas sa may sintomas, at tiyaking maayos ang bentilasyon sa mga tahanan at pampublikong lugar. | via Dann Miranda | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *