Mabilis na at walang fixer! Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Pebrero 18 ang bagong online system para sa pagkuha ng Minors Travelling Abroad (MTA) permit.
Ayon kay Assistant Secretary Ada Colico, tanging mga magulang o legal na tagapag-alaga lang ang maaaring mag-apply para sa travel clearance—bawal ang mga fixer! Dati, napipilitan ang mga magulang na dumaan sa middlemen dahil sa mabagal na proseso. Ngayon, pwedeng online na lang ang application at aprub agad sa loob ng tatlong araw!
Kasama sa proseso ang virtual interview para tiyakin ang kaligtasan ng bata laban sa human trafficking. Wala nang pila, wala nang hassle—sigurado at protektado pa! | via Allan Ortega | Photo via Gov
Solusyon kotra fixers, DSWD may bagong online system para sa pagkuha ng travel clearance ng mga bata
