May pakiusap ang embahada ng United States sa mga Pilipinong mag-a-apply ng US visa.
Sa Facebook post ng embahada, nanawagan itong ‘public’ ang privacy settings ng kanilang social media accounts para mapadali ang kanilang vetting process.
Sakop nito ang mga indibidwal na mag-a-apply para sa F, M, o J nonimmigrant visa.
Layon nitong ma-establish ang identity at admissibility ng aplikante sa Estados Unidos.
#D8TVNews #D8TV