SMC tollways, libre sa Pasko at Bagong Taon

Libre ang toll sa lahat ng expressway na pinatatakbo ng San Miguel Corporation sa mga piling oras ngayong Pasko at Bagong Taon.

Ayon sa SMC, bilang paghahanda ito sa inaasahang pagdami ng biyahero.

Ipatutupad ang toll holiday mula 10:00 ng gabi ng Disyembre 24 hanggang 6:00 ng umaga ng Disyembre 25.

At mula 10:00 ng gabi ng Disyembre 31 hanggang 6:00 ng umaga ng Enero 1, 2026.

Saklaw ng libreng ang Skyway System, NAIA Expressway (NAIAX), South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway, at Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX).

Ayon sa SMC, layunin ng toll waiver na matulungan ang mga motoristang bumibiyahe nang gabi upang makarating agad sa kanilang mga pamilya sa panahon ng kapaskuhan.

Dagdag pa ng SMC, naka-heightened alert ang kanilang mga hakbang sa kaligtasan at seguridad, kabilang ang dagdag na patrol at security personnel simula Disyembre 20.

Magpapatuloy rin ang 24-oras na operasyon ng mga traffic monitoring center.

Abiso ng SMC sa mga motorista, planuhin nang maaga ang biyahe, maglaan ng dagdag na oras sa paglalakbay, at tiyaking may sapat na load ang kanilang Autosweep account upang maiwasan ang abala sa mga toll plaza. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *