SMC, Laguna government sanib-puwersa laban sa baha sa lalawigan

San Miguel Corp. big boss Ramon Ang, kasama si Laguna Gov. Sol Aragones, nagkasundo para solusyunan ang matagal nang baha sa probinsya. Libre, walang gastos sa gobyerno!

Nagkita sila nitong Lunes kasama si Biñan Rep. Arman Dimaguila, kilalang environmental advocate, para magplano ng sustainable flood management project na susuportahan ng private sector.

Wala pang detalyadong plano, pero tiyak daw ni Ang na handa ang SMC magbigay ng technical at financial assistance. Matagal na ring may “Better Rivers” program ang SMC mula 2020, kung saan nagdi-dredge at naglilinis ng mga ilog sa Metro Manila, Laguna, Bulacan, at Pampanga.

Ayon kay Gov. Sol, “Salamat, Sir Ramon Ang, sa malasakit sa mga taga-Laguna. Magtutulungan tayo hanggang masolusyunan ang baha.”

Supportado rin ni Dimaguila ang proyekto, sabay diin na mahalaga ang partnership ng private sector at gobyerno para wakasan ang baha sa Laguna.

Kung tutuusin, parang si SMC na ang magiging “lifeguard” ng Laguna para di na tayo lumangoy sa baha tuwing tag-ulan. | via Allan Ortega | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *