Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na siyam na tripulanteng Pilipino mula MV Eternity C ang nananatili sa kamay ng Houthi nang atakihin ng rebeldeng grupo ang cargo ship.
Matatandaang ding may tatlong Pilipino na ang kumpirmadong namatay at walo naman ang nakauwi na sa bansa matapos ang insidente ayon kay Migrant Secretary Hans Leo Cacdac.
“The remaining nine (9) seafarers have been confirmed to be in the custody of Houthi forces, based on our coordination with the Department of Foreign Affairs (DFA),” saad ng kalihim.
Dahil sa nangyari, patuloy na makikipag-usap ang DMW sa DFA upang masigurado ang kaligtasan at kalaunang pag-uwi ng siyam na Pilipinong hawak ng Houthi.
Dagdag pa rito, hindi titigil ang ahensya na magbigay ng suporta sa pamilya ng mga biktima.
“Our monitoring efforts continue, and our support to the families is sustained. The safety and repatriation of all our seafarers remain our top priority,” dagdag pa ni Cacdac. | via Florence Alfonso, D8TV News Intern | Photo via DMW
#D8TVNews #D8TV