Sinusuportahan ng Pilipinas ang hakbang ng UN na magbalangkas ng kasunduan tungkol sa mga karapatan ng mga taong nakatatanda

Inanunsyo ng pamahalaan ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang kanilang suporta sa hakbang ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na magbuo ng isang internasyonal na kasunduan para protektahan ang mga karapatan ng mga taong nakatatanda.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, “Malugod kong tinatanggap ang desisyon ng UN Human Rights Council na ituloy ang paggawa ng global instrument ukol sa karapatan ng taong nakatatanda. Ito ay isang halimbawa ng multilateralism in action para sa karapatang pantao at sa future na walang diskriminasyon batay sa edad.”
Idinagdag ni Manalo na ang Pilipinas at mga katuwang na bansa at civil organization ay matagal nang nagsusulong ng hakbang na ito at patuloy nilang itutulak ito hanggang sa magkaroon ng isang konkretong UN treaty na magbibigay respeto sa karapatan at dignidad ng mga taong nakatatanda sa buong mundo.
Noong April 3, inaprubahan ng UNHRC ang isang resolusyon na magtatatag ng isang working group na magsusulat ng isang legally binding instrument para sa pagtataguyod at proteksyon ng mga karapatang pantao ng taong nakatatanda.
Ayon kay Elena Sergi ng Amnesty International, ang mga karapatan ng taong nakatatanda ay madalas na hindi napapansin, at ang pangangailangan na ito’y protektahan ay higit na mahalaga ngayon. Dagdag pa niya, ang pagkakaroon ng isang komprehensibong legal na balangkas laban sa diskriminasyon batay sa edad ay matagal nang kinakailangan. | via Lorencris Siarez | PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *