Sinuspinde ng DOTr ang cashless toll collection sa mga expressway

Iniutos ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapaliban sa pagpapatupad ng cashless toll collection sa mga pangunahing expressway sa Luzon, kabilang ang NLEX at SLEX. Inihayag ito ni DOTr Secretary Vince Dizon sa isang press briefing sa Palasyo, matapos niyang utusan ang Toll Regulatory Board (TRB) na ipagpaliban ang contactless transactions sa mga expressway.
Dapat sanang ipatupad muli ang sistemang ito sa Marso 15 gamit ang Electronic Toll Collection (ETC) System, kung saan kinakailangang may RFID sticker ang lahat ng sasakyan. Ang mga lalabag sa “No RFID, No Entry” policy ay papatawan ng parusa.
Ayon kay Dizon, bigo ang dating pagpapatupad ng cashless payment dahil hindi lahat ng motorista ay naabisuhan. Naniniwala siyang hindi pa ito ang tamang panahon para sa sistemang ito dahil marami pa itong kakulangan. Idiniin din niya na ang cashless system ay “anti-poor” at maaaring magdulot ng dagdag na hirap sa mga motorista.
Plano niyang makipag-ugnayan muna sa mga toll operators upang pag-aralan kung paano gawing mas episyente ang sistema bago ito ipatupad nang maayos sa hinaharap. – via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *