Ipinatigil pansamantala ng Department of Tourism (DOT) ang lahat ng tourism activities malapit sa Mt. Kanlaon sa Negros Occidental matapos ang pagputok ng bulkan noong April 8. Layon nito ay tiyakin ang kaligtasan ng mga residente at turista.
Ayon sa DOT, mahigpit na ang coordination nila sa mga lokal na pamahalaan para mag-monitor at agad rumesponde sa mga apektado ng pagsabog. Suspendido na muna ang mga trekking at pagbisita sa mga sikat na destinasyon gaya ng La Carlota City, Bago City, La Castellana, at iba pang karatig-lugar.
Tinamaan rin ng ashfall ang ilang bahagi ng Guimaras, Iloilo, at Antique. Pinayuhan ang mga turista na huwag munang bumiyahe papunta sa mga nabanggit na lugar at sumunod sa mga safety protocols ng mga awtoridad.
Bagamat Alert Level 3 pa rin ang bulkan, tiniyak ng DOT na ligtas at matibay pa ang mga tourist accommodations. Wala ring naitalang stranded na turista sa ngayon. | via Lorencris Siarez | Photo courtesy of the Negros Oriental PDRRMO
#D8TVNews #D8TV