Sinunog ng PNP ang humigit kumulang P11.4 Million ng marijuana sa Kalinga

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na labanan ang ilegal na droga, nagtulungan ang Philippine National Polica (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sirain ang lagpas 57,000 fully-grown marijuana plants sa Kalinga Province.

Ayon sa PNP, nagkakahalaga ng halos P6.6 Million ang sinunog na 33,000 marijuana plants noong first phase, at P4.8 Million naman sa 24,000 na sinira sa sumunod na operasyon. Sa kabuoan, humigit kumulang P11.4 Million ang halaga ng mga sinunog na marijuana plants.

Pinuri ni PNP Acting Chief P/Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga operating units and sinabi na hindi titigil ang PNP sa patuloy na pakikipaglaban upang patuloy na maresolba ang problema ng bansa laban sa mga ilegal na droga. | via Kai Diamante, D8TV News | Photo via PNP

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *