Asahan ang panibagong taas-singil sa kuryente ngayong Nobyembre.
Ayon sa Meralco, ito na ang ikalawang sunod na buwan ng rate hike.
Tataas ito ng P0.1520 per kilowatt-hour (kWh) ngayong Nobyembre, sa kabuuang rate sa pangkaraniwang tahanan na P13.4702 per kWh mula P13.3182 per kWh noong Oktubre.
Katumbas ito ng humigit-kumulang dagdag na P30 sa kabuuang electricity bill para sa mga kumokonsumo ng 200kWh, P46 para sa mga kumokonsumo ng 300 kWh, P61 naman para sa 400 kWh, at P76 para sa mga kumokonsumo ng 500 kWh.
Bunsod ito umano ng pagtaas din sa singil sa transmission na tumaas naman ng P0.1468 kada kWh para sa mga residential customer, dahil sa mas mataas na ancillary service charge mula sa Reserve Market na natamo ng National Grid Corporation o NGCP. | via Ghazi Sarip
