Singil sa kuryente ngayon Marso, mas mataas

Mas mataas ang babayaran ng Meralco customers ngayong buwan matapos tumaas ng P0.2639 per kWh ang overall rate. Mula sa dating P12.0262 per kWh, umakyat ito sa P12.2901 per kWh, na katumbas ng dagdag na P53 para sa mga bahay na kumokonsumo ng 200 kWh.
Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, walang refund ngayong buwan, bukod pa sa pagtaas ng transmission charges at feed-in tariff allowance (FIT-All). Ang FIT-All, na ginagamit para suportahan ang renewable energy, ay tumaas mula P0.0838 patungong P0.1189 per kWh.
Bagamat bumaba ng P0.17 per kWh ang generation charge, hindi nito sapat na napigilan ang pagtaas ng transmission fees. Samantala, nananatiling pareho ang distribution charge mula pa noong Agosto 2022.
Tiniyak naman ng Meralco na sapat ang suplay ng kuryente ngayong tag-init at nakipagkasundo pa sila sa emergency power suppliers para mapanatili ang serbisyo. | via Lorencris Siarez | Photo via Gov

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *