Aprubado na ni Pangulong Bongbong Marcos ang dagdag-pondo para sa mga Child Development Centers (CDC) sa 328 mahihirap na barangay! Game-changer daw ito, ayon sa DepEd.
👉 Mindanao – 133 barangay
👉 Visayas – 106 barangay
👉 Luzon – 89 barangay
Dahil dito, puwedeng humingi ng pondo ang mga LGU para magtayo o mag-ayos ng mga daycare center. Target nito ay mga lugar na kulang sa maayos na pasilidad para sa maagang edukasyon, ayon sa EDCOM II report.
Matagal nang kailangan ang mga CDC! Sabi ng ECCD Council, 3,800 barangay pa ang wala nito, kahit may batas (RA 6972) na nagsasabing bawat barangay dapat may CDC.
Sa utos ni Marcos noong Marso 4, prayoridad na ito sa budget! | via Lorencris Siarez | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV