Nagbabala si AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. sa mga sundalo ng Northern Luzon Command (Nolcom) na maghanda sa anumang maaaring mangyari, lalo na ang posibleng pagsalakay ng China sa Taiwan.
Sa anibersaryo ng Nolcom sa Tarlac, sinabi ni Brawner na may planong ilikas ang 250,000 OFWs sakaling sumiklab ang gulo. “Huwag lang magpokus sa seguridad ng hilagang teritoryo, simulan na ang plano para sa Taiwan,” ani Brawner.
Kasabay nito, nagsimula na ang malawakang military drills ng China sa paligid ng Taiwan, na kinabibilangan ng hukbong dagat, himpapawid, at mga missile forces.
Samantala, tiniyak ni Brawner na magiging “full battle test” ang darating na Balikatan Exercises sa Abril 21, kung saan 16,000 tropang Pilipino at Amerikano ang lalahok.
Sa kanyang pagbisita sa Maynila, sinabi ni US Defense Secretary Pete Hegseth na magpapadala ang Amerika ng mas maraming kagamitan sa Pilipinas bilang bahagi ng $500 milyong military aid para palakasin ang depensa ng bansa laban sa banta ng China.
“Hindi ako nagpapakalat ng takot, pero kailangang handa tayo,” diin ni Brawner. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV