Sinabi ng PCG na natuto na ang China dahil sa pandaigdigang pagbatikos matapos ang dangerous mid-air incident

Nagpakita ng mas maingat na kilos ang isang helicopter ng Chinese Navy noong Lunes, March 24, matapos itong lumipad nang tatlong milya ang layo mula sa eroplanong pang-patrol ng Pilipinas sa himpapawid ng Scarborough Shoal. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), malaki ang pagkakaiba nito sa insidente noong February 18 kung saan isang helicopter ng China ang lumapit nang tatlong metro lamang sa isang Philippine patrol plane, na itinuturing nilang “napakamapanganib” sa West Philippine Sea.
Ayon kay PCG Spokesperson Jay Tarriela, maaaring natuto na ang China mula sa matinding pagbatikos ng international community. Noong nakaraang buwan, kinondena ng Estados Unidos, Europa, at iba pang bansa ang “panganib” na dulot ng China sa kalayaan sa paglalayag at paglipad sa South China Sea.
Sa kabila ng mas maingat na kilos, patuloy pa rin ang presensya ng mga barkong pandigma ng China sa paligid ng Scarborough Shoal. Patuloy ding kinukwestyon ng Pilipinas ang “ilegal” na pag-angkin ng Beijing sa teritoryo ng Bajo de Masinloc, na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa. | via Lorencris Siarez | Photo via PCG

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *