SIM registration: Kailangan na ng personal na pagpaparehistro?

Posibleng kailanganin nang personal na magparehistro ng SIM card sa hinaharap para maiwasan ang pagbebenta ng pekeng ID at text scams. Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC), nire-review nila ang SIM Registration Act para gawing mas mahigpit ang proseso.
Isa sa mga panukala ay gawing personal ang pagpaparehistro, katulad ng pagkuha ng lisensya o NBI clearance. Sa kasalukuyan, marami ang gumagamit ng pekeng ID sa online registration, dahilan ng pagdami ng scam texts.
Sinumang mahuling nagbebenta ng pre-registered SIM ay maaaring makulong ng anim na buwan hanggang anim na taon at pagmultahin ng P100,000 hanggang P300,000.
Plano rin ng gobyerno na bumuo ng ID database na magagamit ng telcos para sa authentication, habang nililinis ang SIM registry upang mapigilan ang mga scam.
Sa ulat ng Global Anti-Scam Alliance noong Oktubre 2024, halos P460 bilyon ang nalugi sa mga Pilipino dahil sa text scams, kung saan kada biktima ay nawalan ng P16,000 sa nakalipas na taon. | via Allan Ortega | Photo via gadgetroyale.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *