SILG Remulla at former Sen. Revilla, nagkausap sa telepono bago ito sumuko sa PNP-CIDG

Personal na nakausap sa telepono ni Interior Secretary Jonvic Remulla si dating Senador Bong Revilla bago ito sumuko sa tanggapan ng PNP-CIDG sa Camp Crame nitong Lunes, January 19.

Ayon kay Remulla, tinawagan siya ng kanyang kaibigan na si Revilla matapos lumabas ang warrant of arrest at hold departure order mula sa Sandiganbayan dahil sa kasong malversation kaugnay ng umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Hinimok umano nito ang dating senador na sumuko na lang sa mga otoridad matapos lumabas ang warrant of arrest.

Giit ni Remulla, walang special treatment na gagawin kay Revilla at itatrato itong isang ordinaryong mamamayan saan man ito mailagay na kulungan base sa desisyon ng Sandiganbayan.

Nasa pangangalaga na rin ng PNP ang dalawampung baril na isinuko ng dating senador na nasa kanyang pangalan.

Personal namang inihatid ngayong umaga ni Secretary Remulla si Revilla sa Sandiganbayan sa Quezon City para sa return of warrant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *