Idinawit ng umano’y suspek na si alyas ‘Totoy’ ang isang sikat na aktres bilang may kaugnayan sa kaso ng pagkawala ng 34 sabungero.
“Mayroong isang babaeng celebrity, ‘di ko na muna papangalanan, at alam na nila ‘yan. Kasama siya sa ‘alpha member’. Ibig sabihin, kasama siya sa grupo,” pagbubunyag nito.
Hindi na pinangalanan ni ‘Totoy’ ang aktres, ngunit ibinidang isa dapat ang aktres sa 30 pulis at indibidwal na katulad ni Totoy na may mataas na posisyon sa sindikato na dapat kasuhan sa kaso ng missing sabungeros.
“Isa siya, ‘pag nag-meeting-meeting, nandoon siya… Isa rin siya na susi kung sakali… Siya ang mas marami ring alam,” dagdag nito.
Nakatakdang isumite ni ‘Totoy’ ang kanyang affidavit kapag kumpleto na ang mga nasagap niyang ebidensya at impormasyon.
Matatandaang umahon muli ang kaso ng 34 missing sabungeros matapos lumitaw si alyas ‘Totoy’ na umano’y suspek sa kaso at ngayo’y handa nang tumestigo at inaming patay na at itinapon pa sa Taal Lake ang mga bangkay ng mga biktima.
Kasalukuyan namang naghahanda ang Department of Justice sa paghahanap sa mga bangkay ng nawawalang sabungeros. | via Clarence Concepcion
#D8TVNews #D8TV