Signal No. 1, itinaas sa walong lugar sa bansa dahil sa Bagyong Ada

Nakataas ang Signal No. 1 sa walong lugar sa bansa habang patuloy na kumikilos pa-kanluran ang Tropical Depression Ada, ayon sa PAGASA.

Batay sa 11:00 pm weather bulletin, inaasahang makararanas ng hangin na may lakas na hanggang 61 kilometers per hour, kasama ang panaka-nakang pag-ulan sa —

Sorsogon at timog-silangang bahagi ng Albay gaya ng Rapu-Rapu, Manito, at Legazpi City sa Luzon.

Northern Samar, Samar, at Eastern Samar sa Visayas.

At Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur sa Mindanao.

Huling namataan ang sentro ng Bagyong Ada 460 kilometers sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour. Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kilometers per hour malapit sa gitna, at bugso na umaabot sa 55 kilometers per hour.

Posible umanong mag-landfall ang bagyo sa Eastern Visayas sa Biyernes, January 16, o madaling-araw ng Sabado, January 17.

Inaasahang lalakas ang Tropical Depression Ada at posibleng maging isang tropical storm sa loob ng susunod na 24 oras habang patuloy itong tumitindi sa West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *