Si Roque at 49 na iba pa, kinasuhan ng human trafficking

Sinampahan ng qualified human trafficking si dating presidential spokesman Harry Roque at 49 iba pa, ayon sa kaso ng Department of Justice na inihain sa Angeles City Regional Trial Court.

Inaakusahan si Roque at ang grupo ng konspirasiya na mag-operate ng Whirlwind Corp. at Lucky South 99 Outsourcing Inc., mga kumpanyang sangkot sa illegal scam operations sa Porac, Pampanga.

Ang mga biktima, na ginawang sapilitang customer service representatives para sa iligal na online gambling, ay pinagbantaan, sinaktan, at kinumpiska ang mga dokumento sa pagbiyahe.

Si Roque umano ang nagsilbing legal counsel ng mga kumpanya, tumulong sa pag-renew ng business permits kahit alam niya ang ilegal na aktibidad. Si Roque ngayon ay humihingi ng asylum sa Netherlands.

Kasama rin sa mga kinasuhan sina Cassandra Li Ong, Duanren Wu, Ronelyn Baterna, Dennis Cunanan, at iba pa. Ang Lucky South 99 ay konektado umano sa dating Bamban Mayor Alice Guo, na pinaghihinalaang Chinese spy.

Ang kaso ay isinampa base sa reklamo ng Presidential Anti-Organized Crime Commission at Criminal Investigation and Detection Group.

Nag-post si Roque sa Facebook: “When it rains, it pours…”, iginiit na siya ay biktima ng political persecution bilang kaalyado ni Duterte. Pero giit ng DOJ: “Walang politika dito, human trafficking ang isyu!” | via Allan Ortega | Photo via PNA / Yancy Lim

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *