Ang Bagyong Gorio (international name: Podul) ay lumakas at naging ganap na bagyo nitong madaling araw ng Martes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Sa kanilang 5:00 a.m. bulletin, sinabi ng Pagasa na ang sentro ng Bagyong Gorio ay huling namataan sa layong humigit-kumulang 745 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang pinakamalakas na hanging 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 150 kph. Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 25 kph.
Ayon sa Pagasa, mababa ang tsansa na direktang makaapekto ang bagyo sa bansa sa loob ng susunod na tatlong araw, ngunit kung bababa pa ang direksiyon nito, posibleng magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal sa dulong hilagang bahagi ng Luzon.
Inaasahang tatama ito sa silangang baybayin ng Taiwan sa Miyerkules ng hapon, mananatili ang lakas bago humina matapos ang landfall, at lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Miyerkules ng gabi. | via Allan Ortega | Photo via DOST-PAGASA
#D8TVNews #D8TV