Shearline, nagdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Eastern Visayas

Matinding pag-ulan dala ng shear line ang nagdulot ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa iba’t ibang bahagi ng Eastern Visayas mula pa noong Sabado.

Sa Jipapad, Eastern Samar, 54 pamilya mula sa tatlong mabababang barangay ang inilikas.

Ayon sa mga otoridad, 10 sa 13 barangay ang binaha, kung saan umabot sa 3 hangang 5 talampakan ang tubig.

Bilang pag-iingat laban sa aksidente, pansamantalang pinutol ang supply ng kuryente.

Iniulat din ang pagbaha sa Maslog, Dolores, Llorente, at Borongan City.

Sa Leyte, itinaas ang blue alert, habang suspendido naman ang klase sa Tacloban City at ginawang posibleng evacuation sites ang ilang paaralan.

May mga landslide sa Biliran at pagbaha sa Northern Samar at Calbayog City.

Ipinatupad ng naman PCG ang no-sailing policy dahil sa masamang lagay ng dagat.

Samantala, handa ang DSWD na magpamigay ng higit 176,000 food packs at libu-libong non-food items habang inaasahan pa ang patuloy na pag-ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *