Matapos ang sunod-sunod na pagkakadiskubre ng lumulutang na shabu sa Luzon, ₱166.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha sa baybayin ng Barangay Chanarian, Basco, Batanes noong Hunyo 19. Isang 59-anyos na mangingisda ang nakakita ng isang sako na may 25 vacuum-sealed packs ng droga.



Agad itong isinuko sa mga tauhan ng PDEA, PNP, PCG, at Navy anim na araw matapos ang pagkakadiskubre. Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, patunay ito na may mga natitira pang kontrabando sa karagatan.
Paalala ng PDEA i-report agad ang mga natatagpuang kahina-hinalang pakete. Ang simpleng pag-iingat nito ay isang krimen. | via Lorencris Siarez | Photos and Videos Courtesy to PDEA
#D8TVNews #D8TV