Available na sa Cubao at Taft MRT-3 stations hanggang Agosto 31, 2025 ang mga serbisyo ng National ID gaya ng pagpaparehistro, pag-imprenta ng National ID sa paper format, at tulong sa pag-access ng Digital National ID, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa PSA nitong Huwebes, bukas ang serbisyo Lunes hanggang Biyernes mula 6 a.m. hanggang 10 p.m., at tuwing Sabado mula 10 a.m. hanggang 7 p.m.
Para sa pagpaparehistro, kailangan magdala ng kaukulang dokumento.
Kung magpapaprint ng paper format ng National ID, kailangang ipakita ang Transaction Reference Number (TRN) mula sa transaction slip pagkatapos magparehistro.
Kung nawala ang TRN, puwedeng ibigay ang personal na detalye sa registration personnel para mahanap ito, bago i-check kung available na ang paper ID.
โMay assistance din para sa mga pasaherong may smartphone at internet para ma-access ang Digital National ID,โ ayon sa PSA. | via Allan Ortega | Photo via MSN
#D8TVNews #D8TV