Matapos ang biglaang paglisan ni Gen. Nicolas Torre III bilang hepe ng Philippine National Police (PNP), sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na ang serbisyo niya ay hindi pa nagwawakas.
Kasunod ng memo mula Malacañang, pinalitan na siya ni Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.
May opsyon si Torre na magretiro nang maaga o manatili sa PNP ngunit ang kaniyang kapalaran, kabilang ang usapin sa apat na bituin ay nakasalalay sa NAPOLCOM.
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, lumagpas sa awtoridad si Torre nang basta na lamang niyang alisin si Nartatez sa puwesto.
Dagdag pa ni Sen. Imee Marcos, mukhang kinarma si Torre.
Samantala, iginiit ni Senate President Chiz Escudero na nasa Pangulo pa rin ang kapangyarihang magpalit ng liderato sa PNP at ayon kay Sen. Bato dela Rosa, patunay lamang ito na “walang forever” sa serbisyo.
Si Torre, na nakilala sa pag-aresto kay Apollo Quiboloy at pagtupad sa utos ng ICC laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ngayon ay haharap sa bagong kabanata ng kaniyang buhay kung maipagpapatuloy nga ba, makapagreretiro nang maaga.
