Senator Erwin Tulfo, Pinaiimbestigahan ang pagbaha sa Palawan

Pinaiimbestigahan ni Sen. Erwin Tulfo ang paulit-ulit na pagbaha sa lungsod ng Puerto Prinsesa, pagkatapos ng naging pagbaha dito noong ika-18 ng Hulyo

Batay sa ulat, 6000 pamilya ang apektado ng bagyong crising sa lungsod habang 100 pamilya naman ang ni-rescue ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang barangay nito

Noong pebrero lamang ngayong taon nang lumubog sa baha ang lungsod at napasailalim sa state of calamity, bunsod lamang ng “shear line” o mabilis na pagbabago ng direksyon ng hangin.

Ang pinagtataka ng laking-palawan na senador bagama’t walang bagyo umano noong pebrero, lumubog pa rin sa pagbaha ang lungsod

Dagdag pa niya, nais niyang malaman ang dahilan ng pagbaha ngayon doon at marinig mula sa Local Government Unit at government agencies ang sanhi nito | via Ghazi Sarip | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *