Senado ng impeachment court, nagpalabas ng summons kay Pangalawang Pangulo Sara

Pormal nang pinadalhan ng writ of summons si Vice President Sara Duterte ng Senado nitong Martes, na ngayon ay kumikilos bilang impeachment court. May 10 araw siya para sumagot sa mga reklamo ng impeachment!

Matapos bumoto ang Senado (18–5) na ibalik ang reklamo sa House of Representatives para linawin, agad namang nilinaw ni Senate President Chiz Escudero: Hindi pa ito ibinabasura! Tuloy ang laban!
“Ito ay pagsunod sa batas, hindi pag-dismiss,” giit ni Escudero. Hindi pa rin daw ito desisyon kung lumabag ang House sa one-year ban sa impeachment.

Ayon sa Senate rules, dapat maghain ng sagot si VP Sara sa loob ng 10 araw, habang may 5 araw naman ang mga prosekutor para tumugon.

Nagpasalamat si Escudero sa mga senador, lalo na kay Sen. Alan Peter Cayetano, sa mainit pero makabuluhang diskusyon. Marami pang botohan ang inaasahan sa darating na mga linggo. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *