Senado, naglabas ng subpoena laban sa 12 indibidwal tungkol sa flood control scam

12 subpoena ang inilabas ngayon ng Senado sa pagpapatuloy ng pagdinig nito hinggil sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, labindalawang subpoena ad testificandum ang inilabas nila para obligahing dumating sa hearing ang mga personalidad bilang resource persons o sangkot mismo sa mga nomalya.

Kabilang dito sina dating kongresista Zaldy Co, Commission on Audit commissioner Mario Lipana, former education undersecretary Trygve Olaivar at former Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

Inatasan din ang DPWH at si Secretary Vince Dizon na magsumite ng mga opisyal na dokumento na may kaugnayan sa Senate inquiry.

Ang mga subpoena ay inisyu ng Senado bago ang pagpapatuloy ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa January 19. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *