Binalaanan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga na tigilan ang paggamit sa inaanak nitong si Pasig City Mayor Vico Sotto sa pagpapasikat.
Ang pahayag ay kasunod ng akusasyon ni Barzaga na ang pagiging malapit ni Sotto kay Romualdez ay nakakaapekto sa mga “opsyon para sa imbestigasyon” ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga iregularidad sa mga flood control project, bagay na itinanggi ng senador.
Paliwanag ni Sotto, maraming di nakikitang punto ang batang congressman mula Cavite. Matagal na rin daw niyang kaibigan si Martin Romualdez, Toby Tiangco, Albee Benitez, Benny Amante, Leila De Lima, Caloy Zarate, Paolo Duterte at marami pang beterano sa Kamara.
Diin pa ng senador, malapit man na kaibigan o hindi, laging tama ang sinusunod niya. Mahalaga rin ang fact checking bago maglabas ng kung anu anong pahayag.
Matatandaang kamakailan lamang ay kumalas si Barzaga sa National Unity Party (NUP) at sa pro-Romualdez majority bloc. Bago nito, nanawagan siyang imbestigahan si Romualdez kaugnay ng posibleng anomalya sa paggamit ng flood control funds.
Tinukoy ni Barzaga ang taong 2024 kung kailan nagsilbing caretaker ng kanyang distrito sa Dasmariñas City si Romualdez matapos pumanaw ang kanyang ama na si Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. | via ABJR, D8TV News
#D8TVNews #D8TV
